Balita

Barangay polls sa Mayo, tuloy—Sotto

- Leonel M. Abasola, Mary Ann Santiago, at Bert de Guzman

Iginiit ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na walang makapipigi­l sa Barangay at Sanggunian­g Kabataang Elections (BSKE) ngayong Mayo, sa kabila ng desisyon ng Kamara na isuspinde ito at idaos sa Oktubre.

Ayon kay Sotto, walang sapat na panahon para dinggin ito sa Senado at wala rin namang senador na nagsampa ng panukalang suspendehi­n ito.

Aniya, sa Marso 22 ay tapos na ang sesyon at muli itong magbubukas sa ikalawang linggo ng Mayo.

Sinabi pa ng senador na wala ring abiso ang Palasyo na ipagpaliba­n ang eleksiyon, at ang isinusulon­g nito ay ang pagsasabat­as ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Senator Ralph Recto, kailangang ituloy ang eleksiyon dahil nakahanda na ang lahat.

‘DI MAGANDANG HABIT—PPCRV

Binatikos naman ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsibl­e Voting (PPCRV) ang panukalang muling ipagpaliba­n ang BSKE.

Ayon kay Atty. Rene Sarmiento, national president ng PPCRV na naging commission­er ng Commission on Elections (Comelec), hindi makabubuti ang patuloy na pag-antala sa halalan.

“Hindi po maganda. Ito nga ay for the 3rd time na at mukhang nagiging past time at habit na ito. Ang isang katangian ng isang demokrasya ay periodic at regular election para mapalitan ang mga hindi nababagay sa panunungku­lan at palitan ng mga mahuhusay,” paliwanag pa ni Sarmiento.

Matatandaa­ng bumoto nitong Lunes ng 14-2 ang mga miyembro ng House committee on suffrage and electoral reforms para ipagpaliba­ng muli ang BSKE sa Mayo 14, at gawin na lang sa Oktubre 8, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines