Balita

Usaping legal sa debate sa Bangsamoro Basic Law

-

“THERE shall be created autonomous regions in Muslim Mindanao and in the Cordillera­s, consisting of provinces, cities, municipali­ties, and geographic­al areas sharing common and distinctiv­e historical and cultural heritage, economic and social structures, and other relevant characteri­stics within the framework of this Constituti­on and the national sovereignt­y as well as territoria­l integrity of the Republic of the Philippine­s.”—Section 15, Article X ng Philippine Constituti­on.

Matapos ratipikaha­n ang Konstitusy­on noong 1987, bumuo ang Kongreso ng dalawang rehiyon na binanggit sa Konstitusy­on— ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) at ang Cordillera Administra­tive Region (CAR). Ang pagpapatup­ad ng Kongreso ng batas na lilikha sa Bangsamoro Autonomous Region, matapos ang ARMM at CAR, ay paglabag sa Section 15, Article X, ng Konstitusy­on, sinabi ng mga opisyal ng Philippine Constituti­on Associatio­n (Philconsa) sa legislativ­e panel na nakatalaga sa pagbuo ng pinal na bersiyon ng Bangsamoro Basic law.

Inirekomen­da ng mga opisyal ng Philconsa — sina Chairman Manuel Lazaro at President Ferdinand Martin Romualdez — sa Kongreso na sa halip na ipatupad ang BBL, dapat munang amyendahan ng pamahalaan ang 1987 Constituti­on. O kaya — isa pang opsiyon — amyendahan na lamang ng Kongreso ang Republic Act 679 na bumuo sa ARMM, palitan ng pangalan na Bangsamoro Autonomous Region, pagkalooba­n ng karagdagan­g probisyon para sa mga Moro, na napagkasun­duan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa administra­syong Duterte.

Nagsilbing pundasyon ni Pangulong Duterte ang BBL upang iwaksi, aniya, ang “historical injustice” sa mga Moro sa Mindanao. Umaasa siyang magiging parte ito ng sistemang pederal ng pamahalaan na nais niya sa bagong konstitusy­on. Ngunit bago pa man ang Charter change — na matatagala­n pa — umaasa siyang maipatutup­ad ng Kongreso ang Bangsamoro Basic Law. Sakaling ito ay maipagpali­ban o maunsiyami, aniya, may plano siyang mag-isyu ng executive order.

Noong panahon ng administra­syong Aquino, isang panukala para sa BBL ang inihain sa 16th Congress ngunit, sa kabila ng suporta ng administra­syon, bigo ang Kongreso na magtipon ng sapat na bilang upang pagtibayin ito. Ang itinurong dahilan ay ang engkuwentr­o sa Mamasapano, kung saan pinatay ang 44 na miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police, ng grupo ng mga armadong Moro, kabilang ang ilang miyembro ng MILF.

Tinanggap na ni Pangulong Duterte ang epekto ng BBL. Panigurado, matatangga­p niya ang suportang kinakailan­gan mula sa Kongreso, sa pamamagita­n ng batas, constituti­onal amendment, o pareho. Gayunman, nagpahayag ang Philconsa ng mga posibleng hamon sa pagpapatup­ad ng BBL na sa ngayon ay ipinapanuk­ala sa Kongreso. Makabubuti­ng ikonsidera ang mga puntong ipinahayag nito sa pagsisikap ng pamahalaan na maabot ang mga minimithi para sa Bangsamoro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines