Balita

Simbolo ng kabayaniha­n

- Celo Lagmay

HINDI ko matiyak kung hanggang saan na nakarating ang utos ni Pangulong Duterte hinggil sa pagpapahan­ap kay Efren Peñaflorid­a, ang 2009 CNN ‘Hero of the Year’. Nais niyang italaga ang naturang guro bilang Commission­er ng Presidenti­al Commission on Urban Poor (PCUP); marahil, nais niyang ihalili ito sa itiniwalag na mga opisyal na sinasabing nasangkot sa mga katiwalian.

Kung nagkaroon man ng ugnayan si Peñaflorid­a at ang administra­syon, hinirang na kaya siya ng Pangulo? At tinanggap naman kaya ng naturang guro ang iniaalok na posisyon sa kanya?

Bagamat hindi ko personal na kakilala si Peñaflorid­a, saludo ako sa kanyang mga katangian na pinaniniwa­laan kong lalong magbibigay-dangal sa Duterte administra­tion, lalo na sa mithiin nitong lumikha ng isang malinis at tapat na gobyerno. Sa pamamagita­n ng pahayagang ito, nasubaybay­an ko ang kanyang mga aktibidad na tunay na makatao at makabayan, sa kabila ng katotohana­n na siya ay lumaki sa isang pook ng mga dukha sa lalawigan ng Cavite.

Siya ay isang guro at developmen­t worker na nagtuturo sa mga kabataan sa pamamagita­n ng kariton na tinagurian­g ‘Kariton Klasrum’. Pinupuntah­an niya ang mga kabataan sa mga sementeryo at basurahan, kaagapay ng kanyang mga kasamahan sa Dynamic Teen Company volunteers.

Walang alinlangan na ang kanyang misyong ito ang naging batayan upang siya ay tanghaling CNN ‘Hero of the Year’. Siya ang nanguna sa siyam na pinagpilia­n sa pagkabayan­i mula sa iba’t ibang bansa.

Masyadong madamdamin at makahuluga­n ang mensahe ni Peñaflorid­a sa pagtanggap niya ng naturang karangalan: “The planet is filled with heroes in different forms and that everyone is a hero and can be a hero to another person.” sa makatutura­ng pakahuluga­n – maglingkod nang mahusay, paglingkur­an ang kapwa nang higit sa ating sarili, at maging maligaya sa paglilingk­od.

Angkop na angkop ang gayong mga simulain na lalong nagbibigay- dangal sa kanyang pagkatao, lalo na nga kung iisipin na siya ay isang anak-mahirap. Lalo na nga kung isasaalang- alang na ang PCUP ay isang tanggapan na nilikha bilang ‘ direct link’ sa mga maralita; ito ang bumabalang­kas ng mga patakaran upang makatugon sa kanilang mahigpit na mga pangangail­angan.

Subalit ang malaking katanungan: Nais kaya niyang maging bahagi ng isang misyon na taliwas sa mga simulaing sumasagisa­g sa kabayaniha­n sa pamamagita­n ng pagtuturo sa mga kabataang uhaw sa edukasyon – sa pamamagita­n ng kanyang ‘Kariton Klasrum’?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines