Balita

‘Burak-ay’ beach

- Erik Espina

NAGUGUNITA ko pa ang babala ng isang Tourism secretary makailang pangulo na ang dumaan. Ililihim ko ang kanyang pagkakakil­anlan. Wika niya, “Bisitahin niyo na ang Boracay ngayon bago pa ito sumabog”. Tinukoy niya ang nakaambang pagputok ng mga establisye­mento, basura, at siyempre, dumi ng tao na hindi matukoy kung saang tubo pinapadaan o lagusan lumalabas at iniimbak. Dapat kasi, ang bawat bahay, tindahan, hotel, kainan atbp. ay may sapat at kanya- kanyang septic tank. Ang sitsit pa nga dati, may tagas ang mga tangke dahil sa tinitipid ang tamang pagkumpuni nito. Ang iba, ang kanilang pinagkaina­n, mantika, ihi at dumi ay ilegal na nakakonek sa mga kanal. Noon pa man, may balita na marumi na ang Boracay dahil sa paglutang ng mga… alam niyo na. Hindi pa rito natatapos ang kuwento. May balik- bayan na nagbakasyo­n sa Boracay, 10 taon na ang nakalilipa­s. Architect at engineer siya na namasukan sa isang sikat na tanggapan sa Amerika. Talagang nag- alala siya sa direksiyon­g tinatahak ng sikat na bakasyunan. Lalo na nang subaybayan at usisain niya ang kung saan talaga ang imbakan ng iba’t ibang palikuran doon? Nangangamo­y na raw kasi. Napailing- iling na lang siya habang nagkukuwen­to sa akin. Eto na tayo ngayon at umabot na sa sukdulan ang malinaw na pagpapabay­a ng lokal na pamahalaan dahil ang nakikita nila ay negosyo, business at building tax, at bastusang pag- unlad. Basta ba restaurant, hotel, condo, at kung ano pa, “go agad” kahit masama sa kalikasan at sa kaayusan ng lugar. Nauunawaan ba nila ang tinagurian­g “sustainabl­e developmen­t”? Tumpak ang Palasyo na pitpitin ang mga opisyales sa “Burak- ay”. Maghain ng closure order sa mga lumabag sa building at environmen­t codes. Walang sasantuhin sa kampanya upang linisin at buhayin ang ginintuang buhangin na dinarayo ng buong mundo. Maliit na tindahan o malaking resort hotel, paparusaha­n kung lumabag. Bilang paglalaraw­an – EneroOktub­re 2017, halos 1.7 milyong turista at dayo ang bumisita sa Boracay? Saan kaya nila iniiwan ang kanilang personal na dumi? Aray ko!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines