Balita

Sunshine, Ryza at Gabby, gumawa ng ‘television history’

- Ni NITZ MIRALLES

PARE- PAREHONG grateful sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Sunshine Dizon at ang iba pang mga kasama nila sa cast ng hit Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos dahil nakasama sila sa binanggit ni Sunshine na “television history”.

Ito kasi ang unang telenovela na umere from Monday to Saturday. Kung minsan nga, mas mataas pa ang rating ng Saturday episode sa regular airing day nila.

Samantala, may pa- tagline ang GMA- 7 sa natitirang episode ng Ika-6 Na Utos, itong Ang Huling

Paghaharap. Inaabangan ang paghaharap nina Emma (Sunshine) at Georgia (Ryza).

Sinagot ni Sunshine ang ilang tanong na may kinalaman sa pagtatapos ng Afternoon Prime. Gaya ng ano ang pinakamahi­rap na eksenang nagawa niya sa telenovela? Ano ang nararamdam­an niya na magtatapos na ang show? Ano ang lesson na natutunan niya sa show? Paano niya ise-celebrate ang pagtatapos ng Ika- 6 Na Utos?

“Sa tanong kung ano ang most difficult scene na ginawa ko? ‘Yung opening scene, ‘yung pagkamatay ni Austin ( anak nila ni Rome na ginagampan­an ni Gabby). ‘Yung na-reveal na finally na si Sydney ay si Milan. Lahat po ‘yun ay emotionall­y tasking. At halos lahat ng fight scenes ay talagang mahirap para sa akin because of my shoulder injury.

“Kung ano ang nararamdam­an ko na magtatapos na ang show? I’m very proud and grateful to be part of television history na unang telenovela na nag- air ng six days a week. Masayangma­saya rin po ako na naging parte si Emma ng maraming pamilya araw-araw ng mahigit isang taon. Nakakataba rin po ng puso lalo sa mga nag-reach out na mga Nanay sa akin na talagang nakaka-relate sila sa show.

“Lessons learned from the show? ‘Pag mahal mo talaga ang ginagawa mo, maraming bagay na kakayanin mong tiisin at pag-igihin pa kasi gugustuhin mong ibalik sa viewers ‘yung suporta na binigay nila sayo. Ultimately kung hindi dahil sa mga nagmahal sa amin ay hindi rin kami aabot kung saan po kami ngayon.

“How will I celebrate the end of Ika-6 Na Utos? By giving thanks to Jesus for a year of blessings.”

Samantala, may photos pala sina Sunshine at exhusband niyang si Timothy Tan kasama ang dalawa nilang anak. Sa April 18, ang 7th birthday ng anak nina Sunshine at Tim, siguro naman bago pa ang nasabing petsa, ipo-post na ni Sunshine sa Instagram (IG) ang litrato nilang pamilya.

 ??  ?? Sunshine, Gabby at Ryza
Sunshine, Gabby at Ryza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines