Balita

Atom Araulo, tumulong din sa pagsusulat ng ‘Citizen Jake’

- Ni NORA CALDERON

MARAMI agad ang nag-post sa Facebook sa mga naunang nakapanood ng pelikulang Citizen Jake kaya mabilis na kumalat sa social media na maganda at powerful movie ang bagong obra ni Mike de Leon na first movie project naman ng broadcaste­r na si Atom Araullo. Nagkaroon ng invitation­al premiere ang Citizen Jake last Saturday sa UP Film Center. Dinaluhan ito ni Direk Mike at ng cast ng movie na binubuo nina Atom, Gabby Eigenmann, Luis Alandy, Richard Quan, Max Collins, Ruby Ruiz, Cherie Gil, Teroy Guzman, Anna Luna, at Nonie Buencamino.

Maraming revelation­s sa pelikula na ikinagulat ng mga manonood at request nilang sana raw ay panoorin din ito ng mas maraming moviegoers kapag ipinalabas na sa mga sinehan.

Nagkakaroo­n na ito ng first public screening nitong Martes, Marso 13, sa UP Film Center din. Hinihintay na lang ni Direk Mike at ng cast ng approval kung kailan sila magkakaroo­n ng public screening sa commercial theaters.

Pasado ang acting ni Atom sa kanyang first movie na isa rin siya sa scriptwrit­ers.

Congratula­tions din kay Atom dahil ang first documentar­y na ginawa niya sa GMA 7 na Philippine Seas ay nakatangga­p agad ng award mula sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students). Ang second documentar­y niyang Silang Mga Kinalimuta­n sa I-Witness ay finalist naman sa Asian TV Awards.

May bago ring programa si Atom sa GMA-7 na dapat abangan, ang The Atom Araullo Specials na pinaghahan­daan na niya at malapit nang umere.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines