Balita

Zayn Malik, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Gigi Hadid

-

KINUMPIRMA ni Zayn Malik nitong Martes na tapos na ang dalawang taong relasyon nila ni Gigi Hadid.

Ibinahagi ng mang-aawit ang balita sa kanilang fans sa pamamagita­n ng Twitter, at sa magalang na paraan, aniya: “Gigi and I had an incredibly meaningful, loving, and fun relationsh­ip ang g I have a huge g amount of respect and adoration for Gigi as a woman and a friend. She has such an incredible soul. I’m grateful to all of our fans for respecting this difficult decision and our privacy at this time, we wish this news could have come from us first. We love you all.” Kalaunan, nag- post na rin si Gigi ng sariling pahayag, aniya: “Break- up statements often seem impersonal because there is really no way to put into words what two people experience together over a few years .. not only in the relationsh­ip, but in life in general. I’m forever grateful for the love, time, and life lessons that Z and I shared. I want nothing but the best for him and will continue to support him as a friend that I have immense respect and love for. As for the future, whatever’s meant to be will always be.” Magandang magkapareh­a ang dating lovebirds, na tinatawag na Zee at Gee ang isa’t isa. Nagkarelas­yon sila pagkatapos ng pakikipagh­iwalay ng modelo kay Joe Jonas noong 2015. Kalaunan, suot na niya ang “Z” jewelry, at nagkokomen­to sila sa feed ng isa’t isa. Isinapubli­ko nila noong 2016 ang kanilang pagmamahal­an. Lumabas din si Gigi sa music video ng Pillowtalk ni Malik. Ginanap ang kanilang unang joint photo shoot — para sa Vogue. Naganap naman ang kanilang red carpet debut sa Met Gala noong Mayo ng naturang taon.

Nitong nakaraang taon, naging cover sa Vogue ang couple, kahit na ang istorya na tungkol sa bagong henerasyon, na yumayakap sa gender fluidity, ay umani ng kontrobers­iya.

Pumutok ang balita ng kanilang hiwalayan, ilang buwan makaraang mapabalita­ng engaged na sila.

Sa kabila ng kanilang s weet na anniversar­y at birthday posts para sa isa’t isa, usap-usapan na nag-break na sila. Noong summer ng 2016, sinabi ng isang source sa E! News na naghiwalay na sila ngunit nagkabalik­an ng “multiple times” at laging ang isyu ay may kaugnayan sa komunikasy­on.

 ??  ?? Zayn at Gigi
Zayn at Gigi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines