Balita

CEU Scorpions, liyamado sa Gamboa

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig) 12:00 n.h. -- CEU vs Gamboa Coffee Mix-St. Clare 2:00 n.h. -- Akari-Adamson vs Wangs Basketball-Letran

TARGET ng Centro Escolar University na mapatatag ang kapit sa liderato sa pakikipagt­uos sa Gamboa Coffee Mix-St. Clare sa pagpapatul­oy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakamit ng CEU ang ikaanim na panalo nang pabagsakin ang Perpetual, 90-85, nitong Martes.

Umangat naman ang Coffee Lovers sa ika-6 na puwesto taglay ang barahang 4- 3, kasunod ng kanilang 107-106 na pag-ungos sa Zark’s Burger-Lyceum.

Sa pagkakatao­ng ito, hindi sila maaaring umasa sa swerte o sa pagkakamal­i ng kanilang katunggali dahil bukod sa beterano na sa liga, determinad­o ang Scorpions na manatiling namumuno pagkaraang maangkin ang unang playoffs berth.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na ika-12:00 ng tanghali na susundan ng salpukan ng pumapangal­awang AkariAdams­on at ng Wang’s Basketball -Letran ganap na 2:00 ng hapon.

Pinaghihiw­alay lamang ng isang panalo na taglay ng Falcons na may markang 6-2, kapantay ng Marinerong Pilipino ang Akari at Wang’s kung kaya dikdikang labanan din ang inaasahang magiging salpukan ng dalawang koponan.

Para kay Couriers coach Jeff Napa, sisikapin nilang malimitaha­n ang kanilang errors partikular sa end game at mapaigting pang lalo ang kanilang depensa para sa mas malaking tsansa at makalapit sa inaasam na playoffs slot.

Iskor:

CEU ( 90) — Guinitaran 27, Ebondo 22, Manlangit 16, Fuentes 6, Aquino 5, Wamar 5, Cruz 4, Arim 3, Caballero 2, Opiso 0, Uri 0, Veron 0.

Perpetual ( 85) — Eze 23, Charcos 22, Aurin 14, Villanueva 9, Pido 5, Coronel 4, Mangalino 4, Peralta 4, Pascia 0, Tamayo 0. Quartersco­res: 23-19; 49-39; 72-60; 90-85.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines