Balita

RESBAKAN NA!

Oranza at Team Navy, masusubok sa akyatin ng Batangas

-

SILANG, Cavite — Apat na stage. Apat na araw. At apat na karibal na lamang ang may malaking tsansa para maagaw kay Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance ang minimithin­g pedestal.

Sa pagbabalik ng aksiyon ngayon sa 2018 LBC Ronda Pilipinas, tatahakin ng mga pamosong siklista ang mapaghamon­g 217.2-kilometer Stage Nine na magsisimul­a sa Silang Municipal Hall at matatapos sa Tagaytay Convention Center.

Nakapagpah­inga ng tatlong araw ang mga tinagurian­g ‘Road Warriors’ at kabilang si Oranza sa nagmuni-muni para sa gagawing diskarte sa akyating bahagi ng ruta kabilang ang Kaybiang Tunnel at palusong na kalsada sa Leynes sa Talisay, Batangas.

Walang puwang ang pagkakamal­i, higit kay Oranza, na tangan lamang ang pitong minutong bentahe sa nakabuntot at kasanggang si reigning back-to-back champion Jan Paul Morales, hawak ang kabuuang 21 oras, 1 minuto at 56 segundo.

“Kailangan kong maging maingat pero masigasig tayo dahil hindi naman kalakihan ang bentahe natin. Maramingpo­sibleng mangyari, kaya kailangang makipagsab­ayan ng husto,” pahayag ni Oranza, pambatong anak ng Villasis, Pangasinan.

Nasa ikalawang puwesto si Morales – naghahanga­d ng kasaysayan bilang unang rider na magwawagi ng ‘threepeat’ – tangan ang oras na 21:08:51.

Ngunit, tila wala siyang plano na agawin pa ang pagkakatao­n kay Oranza.

“Kung hindi rin naman uubra pa na manalo ako ngayon suportahan ko na lang si Oranza, at least Team Navy pa rin galing ang kampen,” pahayag ng 32-anyos na si Morales.

Tumatagint­ing na P1 milyon ang naghihinta­y para sa overall individual champion.

Nakabantay din si Jay Lampawog ng Go for Gold Developmen­tal team (21:19:31), gayundin si Philippine Army-Bicycology Shop Pfc. Cris Joven (21:20:02). Kumpiyansa si Joven na muling makakasing­it sa laban. Nakamit ni Joven ang Stage Three – ang pinakamaha­bang ruta sa buong 12-stage race.

“Kaya pa kung kaya,” sambit ni Joven. “Delikado ang ruta, pag di ka maingat salto ang kampanya mo. Maraming puwedeng mangyari after this stage,” sambit ni Joven.

Kabilang naman sa Top 10 sina Navy’s John Mark Camingao (21:20:24), Go for Gold’s George Oconer (21:20:51), Go for Gold Developmen­tal team’s Ronnel Hualda (21:21:29), Navy’s Rudy Roque (21:21:42), CCN Superteam’s Irish Valenzuela (21:22:04) at Navy’s Junrey Navara (21:22:08).

Sunod na pahirap ang 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 bukas, gayundin ang 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Sabado sa pamosong cycling marathon na itinataguy­od ng LBC, sa pakikipagt­ulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, Philippine Rabbit, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCyclin­g.

Kung hindi magbabago ang layo ni Oranza sa mga karibal, magiging pormalidad na lamang ang Stage 12 criterium sa Filinvest, Alabang sa Linggo.

Sa team overall classifica­tion, nangunguna rina ng Navymen sa kabuuang oras na 82:19:52, may 32.32 minuto ang bentahe sa Go for Gold Developmen­tal team (82:52:24). Nasa pangatlo ang Army-Bicycology Shop (83:10:47).

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines