Balita

Reklamo vs ‘manyakis na pulis’ aaksiyunan

- AaronRecue­nco

Hindi kukunsinti­hin ng Philippine National Police (PNP) ang maling gawain ng mga tauhan nito, kasunod ng napaulat na dalawang insidente ng sexual assault sa pagsasagaw­a ng anti-drug operations.

Ito ang tiniyak kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, kasabay ng apela sa publiko, partikular sa mga biktima, na kaagad magsampa ng reklamo laban sa mga pulis na gumagawa nito.

‘The PNP does not condone wrongdoing­s of rogue police personnel. Investigat­ion is now being conducted on these incidents,” sabi ni Bulalacao.

Tinukoy ni Bulalacao ang isang kaso sa Meycauayan, Bulacan, kung saan apat na pulis ang inireklamo sa umano’y halinhinan­g panghahala­y sa isang pitongbuwa­ng buntis, sa harap ng batang anak nito.

Binanggit din ng PNP ang isa pang kahalintul­ad na insidente sa Maynila, na apat na pulis din ang inaakusaha­ng nagmolesti­ya sa 11-anyos na babaeng kinapkapan ng mga ito, sa paghahanap ng droga.

“We appeal to the public to report erring cops as we continue our efforts in cleansing our ranks. Those who will be found guilty shall be punished and dismissed,” pagtitiyak ni Bulalacao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines