Balita

R30- M luxury cars winasak sa Cagayan

- Beth Camia

Sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, tuluyan nang sinira ang mga smuggled luxury cars na nasabat sa Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan.

Mahigit P30 milyon ang halaga ng 14 na mamahaling sasakyan, na kinabibila­ngan ng walong Mercedes Benz; isang Porsche; isang BMW Alpina; isang BMW Z1; isang Maserati Quatro Porte; isang Renault R5; at isang Opel Manta, ang winasak gamit ang buldozer.

Ito ay mula sa 855 smuggled na sasakyang naipuslit sa bansa.

Iginiit ni Duterte na hindi na uubra ang dating gawain na pandaraya sa buwis ng mga smuggler.

Mainam umanong sirain na lamang ang mga sasakyan, dahil posibleng bibilhin din ito ng mga smuggler kung ito ay isusubasta pa.

Babala pa ng Pangulo, seryoso siya sa pagpapasir­a sa mga mamahaling sasakyan na pumapasok sa mga pantalan nang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ito na ang pangalawan­g pagkakatao­n na isinapubli­ko ang pagsira sa mga smuggled luxury cars na nauna nang ginawa ng Bureau of Customs (BoC) sa pier ng Cebu, Manila, at Davao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines