Balita

‘Problemado­ng mister’ nagbigti

- Mary Ann Santiago

Dahil umano sa matinding problema, nagbigti ang isang lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ( GABMMC) si Elias Bonifacio, 48, may asawa, ng 138 Carlos P. Garcia Street sa Tondo.

Sa imbestigas­yon ng Manila Police District (MPD)-Station 1, kauuwi lamang ng ina ng biktima nang pagbukas niya ng pinto ay bumungad ang nakabigtin­g anak, dakong 6:10 ng gabi.

Agad humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang ina ni Elias at isinugod sa ospital, ngunit patay na ito.

Aminado ang ginang na problemado sa buhay ang anak, ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye.

Hindi na rin pinaimbest­igahan ng ginang ang pagkamatay ng anak sa paniwalang walang naganap na foul play.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines