Balita

Tokhang surrendere­r binoga pauwi

- Orly L. Barcala

Pinagbabar­il ang isang tricycle driver, na umano’y Oplan Tokhang surrendere­r, ng hindi pa nakikilala­ng armado sa Malabon City, nitong Miyerkules ng hapon. Dead on the spot si Elmer Velasquez, Jr., 40, ng Barangay Tugatog ng nasabing lungsod, na nagtamo ng bala ng cal. 45 sa ulo at katawan.

Sa inisyal na imbestigas­yon, galing sa hearing sa barangay ang biktima, matapos ipagharap ng reklamo ang kasamahan nitong driver na nanghampas ng tubo sa kanya.

Ayon kay Manuel Sangco, hearing officer ng Tugatog Barangay Hall, pilit niyang pinagkasun­do ang dalawa, ngunit hindi pumayag si Velasquez dahil napahiya umano ito sa mga kasamahan.

“Ang sabi nitong si Elmer, hindi raw siya papayag na makipag-areglo sa pagkakapal­o sa kanya at itutuloy nito ang pagsasampa ng kaso,” sabi ni Sangco.

Paglabas sa barangay hall, pasado 4:00 ng hapon, umalis ang biktima sakay sa kanyang pedicab at pagsapit sa Plaza Street, Barangay Tugatog, Malabon City ay hinarang ito ng armado at malapitang binaril.

Ayon sa mga saksi, naglakad lamang ang suspek matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines