Balita

Bata dedo sa tuklaw ng ahas

- Ronnie C. Roa

KANANGA, Leyte - Isang 12anyos na lalaking Grade 5 pupil ang nasawi matapos tuklawin ng isang makamandag na ahas sa isang palayan sa Kanaga, Leyte nitong Miyerkules ng hapon.

Namatay si Jason Tasan, ng Barangay Libertad, Kananga, habang ginagamot sa isang ospital sa Ormoc City.

Sa salaysay ni Beatriz Tasan, kasabay sana niya ang anak na si Jason na magtungo sa palayan upang dumampot ng mga nakakalat na tiratirang palay.

Gayunman, nauna na ang anak sa palayan ngunit ilang minuto pa lamang ang nakararaan ay narinig niya ang sigaw ng anak na humihingi ng tulong.

Nang saklolohan, nakita ni Beatriz ang anak na nagsabing kinagat siya ng ahas sa dibdib.

Sinabi ng mga doktor na naturukan pa rin nila ng anti-venom ang bata ngunit makalipas ng ilang minuto ay binawian din ito ng buhay.

Anila, posible pa sanang nailigtas si Tasan kung nadala kaagad ito sa ospital, na may 30 kilometro ang layo sa kanilang lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines