Balita

BEST Center cage at volleyball sa 5 venues

-

LALARGA ang pamosong BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) sa limang venue sa Metro Manila para sa summer sports program.

Tuwing Martes at Biyernes ang klase para sa batang basketboli­sta simula Abril 3-27 sa Starmall, Alabang. Magsisimul­a ang klase ganap na 8:30 hanggang 11:30 ng umaga para sa Preparator­y Level at Levels 1 (all ages), 2 (9-11 years old), habang 1:00 hanggang 4:00 ng hapon para sa Levels 1 at 2 (12-and-above) at Levels 3 and 4).

Sabak naman sa 8:00 hanggang 11:00 ng umaga ang mga campers sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary (at EDSA corner Bernardino St, Guadalupe Viejo, Makati) para sa Levels 1 and 2 ng programa ng award-winning clinic na binuo ni dating national coach Nic Jorge, sa pakikipagt­ulungan ng Milo, Rain or Shine, Chris Sports at Sklz.

Isasagawa naman sa Christ the King Seminary sa E. Rodriguez Ave., Quezon City ang klase sa Levels 1 at 2 mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Nakatakda naman ang volleyball clinics ganap na 8:00 hanggang 11:00 ng umaga sa Ateneo College Covered Courts para sa Levels 1, 2 at 3.

Host naman ang Malate Catholic School para sa Levels 1, 2 at 3 mula 1:30 hanggang 4:30 ng hapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines