Balita

Mark Anthony balik-trabaho sa Dos

- Ni ADOR SALUTA

BACK to work na si Mark Anthony Fernandez.

Madalas nang napapanood si Mark sa trailer ng FPJ’s Ang Probinsyan­o kasabay ng announceme­nt ng Dreamscape Entertainm­ent na ito ang comeback ng aktor sa telebisyon after he was arrested in October 2016 at naklaro sa kaso last December.

Sasabak si Mark Anthony sa third book ng No. 1 primetime series. Opisyal na itong in-announce ng publicity head ng Dreamscape na si Eric John Salut nitong March 12 ang pagsali ng aktor sa bagong batch ng cast ng Probinsyan­o.

Pagkatapos niyang lumaya last January 25, Mark Anthony signed a management contract with VIVA Artists Agency.

Ang pagsali niya sa FPJ’s Ang Probinsyan­o ang pagbabalik niya sa ABSCBN after 12 years.

Ang last TV show niya sa ABS-CBN ay Super Inggo in 2006, gumanap siya bilang ama ni Kathryn Bernardo. Ang kanyang huling TV series naman sa GMA-7 ay ang afternoon drama Wish I May.

Last week, the Coco Martin- starrer introduced four new characters who will be part of the show’s new book. Kaya makakasama ni Mark ang mga nagbabalik- Kapamilya ring sina Edu Manzano, Alice Dixson, Rowell Santiago, at Dawn Zulueta.

 ??  ??
 ??  ?? Mark Anthony
Mark Anthony

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines