Balita

Maxene, kinabog ang beauty ni Sue

- S —Reggee Bonoan

MARAMI palang followers si Binibining Pilipinas Universe 2016 Maxene Medina. Marami kasi kaming natatangga­p na mensahe mula sa TFC subscriber­s na nanonood ng Hanggang Saan, nagtatanon­g sila kung bakit pinatay na ang karakter niyang si Atty. Georgette Sandiego.

Naririto ang ilan sa mga natanggap namin. Mula kay Marietta Salongang Chicago, “Bakit siya pinatay na sa Hanggang Saan? Bagay naman sila ni Paco ( Arjo Atayde), may chemistry sila than Sue ( Ramirez)!” Galing kay Beth Remulla ng San Francisco, “Ang sweet ni Maxene kay Arjo, kung hindi lang alam ng tao na pareho na silang taken, puwedeng totohanin nila.”

“Mas bagay sina Maxene at Arjo, period!” sabi naman ni Candy Sevillang Milan, Italy.

May sampu pang nagbigay ng komento na hindi na namin sinulat dahil magkakapar­eho lang ang sinasabi na karamihan ay mula sa Los Angeles at Florida.

Ipinaliwan­ag namin na guest lang si Maxene sa Hanggang Saan at para magkaroon ng ka-love triangle sina Arjo at Sue at hindi rin naman inakalang magki-click ang tambalang Georgette at Paco. Bukod sa kinailanga­n din kasing mayroong magsakripi­syo para mapawalang-sala si Sonya ( Sylvia Sanchez) na ina ni Paco. Gustong maghiganti ni Paco sa pagkamatay ni Georgette natawa kami sa tanong sa na pangako niya, at natawa kami sa tanong sa amin na, “Baka bumalik si Joaquin (karakter ni Arjo sa FPJ’s Ang Probinsyan­o).” Grabe, hindi pa rin nakakalimu­tan ng televiewer­s ang kasamaan ni Joaquin.

At dahil si Ana naman talaga ang mahal ni Paco sa Hanggang Saan ay posible silang magkabalik­an. Mahal pa rin siya ng dalaga.

Anyway, nahanap na ang baril na itinapon ni Jacob ( Ariel Rivera) sa ilog at ang bala na napunta sa Mahal na Birhen kaya napawalang-sala na si Sonya. Lumalabas na may ibang bumaril kay Mr. Lamoste ( Eric Quizon). Malaking tinik ang naalis sa dibdib ni Sonya dahil malaya na siya at ang nakikita naming nangangani­b ang buhay ay si Jean ( Teresa Loyzaga) bilang asawa.

 ??  ?? Maxine
Maxine
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Sue
Sue

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines