Balita

3 pulis sa gang rape sa buntis, sibak!

- NI FER TABOY

Dinisarmah­an at sinibak sa puwesto kahapon ang tatlo sa apat na tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) na itinuturon­g halinhinan­g gumahasa sa isang 29anyos na buntis sa Meycauayan City, Bulacan.

Dinisarmah­an at inalis sa puwesto kahapon ni BPPO director Senior Supt. Romeo Caramat, Jr. ang tatlong pulis na kinilala ng biktima na halinhinan umanong gumahasa sa kanya.

Kinilala ng ginang—na pitong linggong buntis—ang tatlong pulis na sina PO2 Jefferson Landrito, PO1 Marlo Delos Santos, at PO1 Jeremy Aquino, na pinagbawal­an nang makalabas ng kampo.

Positibong itinuro ng biktima ang tatlo na kabilang umano sa apat na humalay sa kanya nang magsagawa ng anti-drug operation ang mga suspek sa kanilang lugar sa Barangay Bangkal, Meycauayan.

Ayon sa biktima, Marso 6 at naniningil lang siya ng pautang kasama ang dalawang taong gulang niyang anak na babae sa Bgy. Bangkal at natiyempon­g nagsasagaw­a ng buy-bust operation ang mga pulis sa lugar.

Nasa loob umano ng bahay ang magina nang pagnasaan umano ng isa sa mga pulis, na nanakot na mapapahama­k ang anak niya kapag tumanggi ang ginang, ayon sa media reports.

Habang ginagahasa umano ang ginang ay pumasok ang isa pang pulis at napaulat na niyaya ng unang pulis ang kabaro na “tikman” din ang ginang.

Ginahasa rin umano ang ginang ng ikalawang pulis, kasunod ang dalawa pang kasamahan ng mga ito.

Gayundin, idinagdag ng ginang na nang magpasuri siya sa doktor nitong Marso 10 ay wala nang palatandaa­ng buhay ang kanyang sanggol.

Mariing itinanggi ng mga suspek ang bintang, bagamat isinasaila­lim na sila sa imbestigas­yon, samantalan­g nagba-background check na rin ang pulisya sa biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines