Balita

PH Rise ideklarang protected area

- Bert De Guzman

Idedeklara bilang protected area ang Philippine Rise.

Lumikha nitong Martes ang House Committee on Natural Resources, sa pamumuno ni Rep. Arnel Ty, ng technical working group (TWG) para pag-aralan at talakayin ang House Bill 6036 na magdedekla­ra sa Philippine Rise bilang isang “protected area” sa pamamagita­n ng pagtatatag ng Philippine Rise Natural Park.

Binigyang-diin ni Muntinlupa City Rep. Rozzano Rufino Biazon, may-akda ng panukala, na kailangang magpasa ng batas na poprotekta sa PH Rise.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines