Balita

EO sa ‘endo’ ng manggagawa

- Mina Navarro

Umaasa ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippine­s (ALU-TUCP) na gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tamang desisyon sa sandaling mabasa nito ang mungkahing Executive Order (EO) na binalangka­s ng mga grupo ng paggawa na tumutugon sa contractua­lization, “endo”, at “555” na pamamaraan ng trabaho na laganap sa bansa.

“We believe the President will never renege on his promise to end contractua­lization. It is a marked promise critical to ensuring inclusive growth under his administra­tion. Sadly, the President obviously has been misled or misinforme­d about the demands of workers,” pahayag ni Michael Mendoza, pangulo ng ALU-TUCP-Nagkaisa.

Kinikilala ng ipinanukal­ang EO mula sa NAGKAISA Labor Coalition (pinamumunu­an ng ALU-TUCP) ang pagkakaroo­n ng exemptions upang payagan ang ilang uri ng kontraktwa­lisasyon, ngunit pinanumbal­ik ang pamantayan ng direct hiring.

Muling iginiit ng mga mangagawa sa kanilang panukala na tuparin ng Pangulo ipinangako nito na wakasan ang “endo” upang matapos na ang kawalang pagasa at kawalan ng seguridad ng milyunmily­ong manggagawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines