Balita

Mag-utol na ‘carnapper’ tiklo

- Liezle Basa Iñigo

Inaresto ng pulisya ang isang magkapatid na umano’y carnapper matapos silang mahulihan ng isang nakaw na sasakyan sa Tuguegarao City, Cagayan, nitong Miyerkules ng gabi.

Nasa kustodiya ngayon ng Tuguegarao Police sina Red Zumar, Riocam, 39, may asawa, negosyante, ng Barangay Pengue, Tuguegarao City; at Jestony Rioca, 23, may asawa, helper, ng Bgy. Afusing Daga, Alcala, Cagayan.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-2 director Chief Supt. Jose Mario Espino na dakong 8:31 ng gabi nang dakpin ng mga tauhan ng Tuguegarao Police ang dalawang suspek sa Bgy. Pengue, Tuguegarao City.

Nagawang madakip ang mga ito nang matunton sila ng pulisya, sa tulong na rin ng makabagong teknolohiy­ang global positionin­g system (GPS) na nakakabit sa puting Toyota Vios (APA-2656) na pag-aari ni Sherwin San Roque, ng Malinta, Valenzuela City.

Ang nasabing sasakyan ay nabawi sa isang talyer na katabi lamang ng Peacock drive-in na pag-aari naman ni Rioca. Bukod sa kotse, nasamsam din umano ng pulisya ang isang baril kay Rioca na may kargang isang magazine na puno ng bala.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 6539 (AntiCarnap­ping Act) at RA 10591 (Illegal possession of firearmas).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines