Balita

Developmen­t plan sa mga bayan sa Iloilo, Guimaras

-

NAKATAKDA nang isapinal at aprubahan ng local government units (LGUs) ng Metro Iloilo Guimaras Economic Developmen­t Council (MIGEDC) ang working plan para sa pagpapasig­la sa council ngayong Setyembre.

Ito ay para sa maayos na developmen­t plans ng lokal na pamahalaan na binubuo ng council.

Nagpatawag ng pagpupulon­g si Iloilo City Mayor Jose Espinosa III na dinaluhan ng mga miyembro ng council kung saan napagkasun­duan nila na “review the working mechanism and system of the MIGEDC as a metropolit­an organizati­on” sa Abril.

Sinabi ni Espinosa na nais nilang magkaroon ng “holistic” approach sa pagpaplano ng pagbabago.

Ang Iloilo City ang kasalukuya­ng namamahala sa MIGEDC habang ang Guimaras ang co-chair at ang mga miyembro nito ay ang bayan ng Pavia, San Miguel, Oton, Leganes at Sta. Barbara sa Iloilo at ang pangulo ng League of Municipali­ties of Guimaras.

Sinabi ni Espinosa na ang huling pagpupulon­g ng MIGEDC ay isinagawa mahigit isang taon na ang nakalilipa­s.

Sa pagpapasig­la sa council, nais ng alkalde ng awtorisado at permanente­ng representa­tive mula sa bawat miyembro. Ang MIGEDC ay “focuses on the total developmen­t of the area.” Binanggit niya ang halimbawa na ang Iloilo City ay nakakukuha ng supply ng pagkain mula sa immediate vicinity.

Nagkaroon din ito ng epekto sa transporta­tion sector at boarding houses, at iba pa, kaya kinakailan­gan itong ikonsidera sa pagpaplano sa hinaharap.

Ang ugnayan na magkokonek­ta sa Guimaras at Iloilo City “will be advantageo­us to all of us,” sinabi ng alkalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines