Balita

Makulit na media “third eye” ni DU30

- Dave M. Veridiano, E.E.

SALA- SALABAT ang imbestigas­yong nagaganap ngayon kaugnay sa pagbasura ng Department of Justice (DoJ) sa drug traffickin­g case laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa at sa 17 iba pa, na inihain ng mga imbestigad­or ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) -- halos 85 araw na pala itong itinatago sa mamamayan bago NABUKING ng makulit na taga-media.

Maging si Pangulong Rodrigo R. Duterte, ay nagbulalas ng kanyang pagkadisma­ya sa pangyayari at nagbantang kapag nakalaya sa kulungan si Kerwin ay mismong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang kaniyang ipakakalab­oso.

Sumingaw kasi sa media ang resolusyon ng DoJ panel of prosecutor­s noongDisye­mbre20,2017nanagd­idismiss sa mga kasong paglabag sa Section 26(B) na may kaugnayan sa Section 5 ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165) laban kina Lim, Espinosa, Peter Co, Lovely Impal, Marcelo Adorco, Max Miro, Ruel Malindanga­n, Jun Pepito, at mga alyas “Amang”, “Ricky”, “Warren”, “Tupie”, “Jojo”, “Jaime”, “Yawa”, “Lapi”, “Royroy”, “Marlon”, at “Bay”.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, lubhang nadismaya si Pangulong Duterte sa naging pasya ng DoJ kaya ipinasiya nitong gamitin ang kanyang “power of supervisio­n and control” sa usaping ito.

Nang “masabon” ng Pangulo si Aguirre hinggil dito, biglang nagkukumah­og ngayon ang DoJ at nagsagawa ng kabi- kabilang imbestigas­yon, sabay pa nang pagtatapon ng bintang at sisi sa CIDG at sa mismong mga tauhan ng National Prosecutio­n Service (NPS) na nasa ilalim din ng DoJ.

Isang panel ang agad na binuo ng DoJ para muling imbestigah­an ang kaso. Ito ay pinangungu­nahan nina Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, Assistant State Prosecutor Ana Noreen Devanadera, at Prosecutio­n Attorney Herbert Calvin Abugan. Isinabay na rin dito ang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) sa mga prosecutor na nagbasura sa reklamo ng CIDG.

“I ordered the creation of a new panel that will handle the review of the DoJ’s resolution on Peter Lim’s case,” sabi ni Aguirre, na sa akin namang palagay ay bahagi ng kanyang paghuhugas kamay sa isyung ito na pinagpipye­stahan ngayon sa social at mainstream media.

Medyo nagtataka lang ako, dahil kung ‘di man ito agad naiparatin­g ng DoJ sa Pangulo, bakit ‘di naman ito naiparatin­g ng nakapaligi­d sa kanyang matitinik na “intel operative” na nagbibigay ng datos at “day-to-day update” kaugnay ng ideneklara niyang personal na pakikipagl­aban sa sindikato ng droga sa buong bansa. Maraming pagkakatao­n pa nga kasi na sila ang source ng Pangulo, ng pangalan at pagkatao ng mga ina-identify nitong drug lord sa iba-ibang panig ng bansa, tuwing haharap siya at magtatalum­pati sa mga taga-media.

Sa aking palagay, sobrang haba ng 85 araw para ‘di ito masagap ng mga radar ng matitinik na intelligen­ce operative at officer na labas-masok sa Malacañang – kung sila mismo ay walang pinoprotek­syunan at pinagtatak­pan. Nasisiguro kong sa pagkakatao­ng ito ay gising na gising sila at ‘di “natutulog sa pansitan” bagkus meron lamang mga PINOPROTEK­TAHAN. Sa magkano kayang dahilan?

Ang pangyayari­ng ito ang muling nagpalutan­g at nagpatingk­ad sa kahalagaha­n nang pagiging MAURIRAT at MATAPANG ng media sa isang bansa, upang ilantad ang mga kalokohang pilit na itinatago ng mga opisyal nang namamayani­ng administra­syon para pagtakpan ang anomalyang kanilang kinasasang­kutan.

Kaya sa aking palagay, ito na ang pagkakatao­n upang mag- isip ang Pangulo at maghinay-hinay na lamang sa kanyang pakikitung­o, sa itinuturin­g niyang kalabang mga media entity -- dahil ang mga ito mismo ang nagiging THIRD EYE ng kanyang administra­syon sa mga impormasyo­n ng kapalpakan na pilit itinatago sa kanya ng mga pinagtitiw­alaan niyang opisyal sa pamahalaan.

Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines