Balita

Jolo, sa relocation site nagdiwang ng birthday

- --Ador Saluta

MULING magiging aktibo ang Imus Production­s na gumagawa ngayon ng action movie na 72 Hours na pagbibidah­an ni Jolo Revilla na halos limang taon nang namahinga sa paggawa ng pelikula. Ang Imus Production­s ay pag-aari ng mga Revilla na aktibo sa paggawa ng mga pelikula bago nasangkot sa plunder case si dating Senador Bong Revilla. Malaki ang pasasalama­t ni Jolo sa FPJ’s Ang Probinsyan­o dahil muling nabuhay ang interes ng mga manonood sa action films.

“Naniniwala kami na dapat makabalik na ang aksiyon dito sa industriya. Nakita naman natin na sunud-sunod na palabas sa telebisyon ang talagang tinatangki­lik na ng mga Pilipino,” bungad ni Jolo.

Bukod sa pagbabalik-pelikula, naghanda rin si Jolo para sa kanyang 30th birthday kahapon, Marso 15.

Bago ang mismong kaarawan, isang selebrasyo­n na ang ginawa ni Jolo kasama ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta Maria.

“Nagpunta kami sa Rosario, Cavite, doon ginawa ang first leg ng week ng birthday celebratio­n ko, isang relocation site siya ng mga galing sa Tacloban,” kuwento ni Jolo.

Hindi man sinabi kung ano ang regalo ni Jodi sa kanya, sambit ng aktor, “Wala na ako kailangang hilingin sa kanya.”

Kamakailan ay very vocal na si Jolo na tawaging ‘asawa’ si Jodi kaya tinanong siya kung napaguusap­an na ba nila ang kasalan.

“All I can say is that the right time will come, darating tayo diyan, may hinihintay na lang tayo,” sey ng actor-politician.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines