Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-99 na labas

- R.V. VILLANUEVA

STAR na si Lagring na ngayon ay kilala na sa tawag na Princess sa klab o beerhouse na kilala sa tawag na Paraiso. May suki na siya na isang Mr. Efren Caballero.

Hindi pa gaanong nagtatagal si Princess sa Paraiso nang makilala niya si Efren Caballero. Katatapos lang niya sa kanyang pagsasayaw noon at kasama niyang nagbibihis sa dressing room ang tatlo pang dancer na kasamagan niiya nang pumasok ang boy at sinabing naroon na daw si Mr. Caballero at may gustong ipatawag sa kanila.

“Sino?” ang nagtatanon­g ay si Felle na siyang star noon sa Paraiso. “Teka. Sandali lang at mag-aayos ako.”

“Hindi ho kayo, Ate Felle.” Magalang na sabi ng boy. “Siya ho. Si Ate Princess.”

Kunot-noo, nakairap si Felle, sabi: “Aba, kas’werte mo naman! Kabagubago mo.” “Bakit naman?” “Mas’werte ka talaga. Marami rito, halos ay ialok na ang sarili nila sa Caballeron­g ‘ yan, hindi pinapansin.”

Bago umalis ng dressing room, napansin niya, parang inis o galit sa kanya si Felle.

Nang pumasok siya sa bulwagan, sa kabila ng kadiliman, natukoy kaagad niya kung sino ang sinasabing Mr. Caballero. Isang ilaw na pula lang na hindi naman maliwanag ang tumatangla­w sa kabuuan ng bulwagan. A iyon ay naka-istila sa gitna mismo ng bulwagan. Nasa corner table ang lalaki na kaya niya natiyak na ito ang Mr. Caballero ay dahil kausap pa ng kanilang boy.

Nakita naman kaagad siya ni Mr. Caballero. Anito sa boy nila na ang pangalan ay Batong: “Salamat Batong! Heto na pala siya.”

Bago umalis si Batong, may iniabot si Mr. Caballero. Alam niyang pera ‘yon, tip. Kalakaran ‘yon sa klab. Kahit na sinong tauhan, kung gusto mong sumikat ka, pag inutusan mo, bibigyan mo ng tip. “Salamat, Princess!” Medyo nagtaka pa siya kung bakit kilala ng Mr. Caballeron­g ito gayong bago nga siya doon. At tatlong beses pa lang siyang nakakatabl­e ng isang customer.

Sa simula hindi naman tumetebol si Princess. Tama na sa kanya ang kinikita niya bilang dancer.

“May gusto akong i-suggest sa ‘yo, Princess.” Ang kausap niya ay ang kanilang floor manager. “Pero ikaw pa rin ang masusunod. Kung gusto mo, okey. Pero kung ayaw mo…” “Ano ‘yon, sir?” Noong una, inisip niyang napakasama­ng tao ng lalaking ito. Di noon, bago siya tinanggap, tinikman muna siya. Bahagi lang daw iyon ng training. Ngayon, naiisip iyang hindi naman pala kasamaan nag floor manager na ito.

“Sinabi ko sa ‘yo noon, Princes… na magiging star dancer ka, yayaman ka, di ba?” Tumango siya. “Pero hindi ko sinabing mangaggali­ng sa pagiging dancer nag pagyaman mo. Ang pagsasayaw mo ay daan lang para makakilala ka ng malalaking isda. Alam mo ang ibig kong sabihin ng malalaking isda?”

“’Yong mayayaman, Sir.”

“Kung aasa ka sa suweldo mo rito, malayo kang yumaman.”

“Okey na rin naman ang sinasahod ko, Sir.”

“Okey lang. para yumaman ka, patetebol ka paminsan-minsan. Alam mo na ang tungkol sa tebol, di ba?”

Tumango siya. Aniya: “Hindi ko po yata kaya, Sir.”

“Pero malayo pa naman ‘yon sa ginawa natin, di ba?

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines