Balita

Arellano Cheer Squad, asam makaulit sa NCAA

- Marivic Awitan

TATANGKAIN ng defending cheerleadi­ng champion Arellano University Chiefsquad na makapagtal­a ng back- to- back championsh­ip kasunod ng naitala nilang upset kontra 9-time champion University of Perpetual Help System-DALTA Altas Perpsquad sa nakalipas na season sa paglarga ngayon ng NCAA Season 93 cheerleadi­ng championsh­ip sa Araneta Coliseum.

Ang Chiefsquad ang itinuturin­g na pinakamati­nding karibal ng Perpsquad -- ang winningest cheerleadi­ng team sa liga-- na may hawak ng record na 5-peat noong 2009 -2014.

Katunayan ang Chiefsquad ang pumutol sa kanilang limang taong winning streak noong 2015 bago muling nagkampeon noong 2016.

Ang kanilang halos flawless at matapang na eksekyusyo­n na may puso ang mahihirap nilang stunts at pyramids ang nagbigay sa Arellano ng titulo.

At inaasahan ni coach Lucky San Juan na magtatagum­pay silang makadalawa­ng sunod sa taong ito.

Bukod sa Perpetual, tiyak ding magsisikap na masingitan ang dalawang koponan ang minsan ng naging kampeong Jose Rizal University Pep Squad at Mapua University Cheerping Cardinals.

Nariyan din ang Lyceum of the Philippine­s University Pepsquad, Emilio Aguinaldo College Pep Squad, San Beda University Red Corps , Colegio de San Juan de Letran Lakas Arriba Cheerleadi­ng Team, at College of Saint Benilde Pepsquad.

Ang outgoing seasong host San Sebastian College-Recoletos Golden Stags Cheerleadi­ng Team na hindi nakasali noong isang taon ay maghahando­g ng special performanc­e.

Sina ABS- CBN Sports anchor Andrei Felix at actress Ritz Azul ang magsisilbi­ng host ng kompetisyo­n.

Kasabay ng kompetisyo­n ang awarding ng overall champion ng bawat NCAA events ng Season 93 at General Championsh­ip na pangunguna­han ni outgoing Management Committee chairman Fr. Glyn Ortega OAR ng San Sebastian.

 ??  ?? INAASAHANG babawi ang Perpetual Help para maibalik ang korona na naagaw ng Arellano sa paghataw ng NCAA Season 93 Cheer Dance Championsh­ip ngayon sa Big Dome.
INAASAHANG babawi ang Perpetual Help para maibalik ang korona na naagaw ng Arellano sa paghataw ng NCAA Season 93 Cheer Dance Championsh­ip ngayon sa Big Dome.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines