Balita

PSC, handang maglaan ng coach kay Medina

- Annie Abad

TINUGUNAN ng Philippine Sports Commission ( PSC) ang kahilingan ni Paralympic­s Table Tennis bronze medalist Josephine Medina na magkaroon ng personal coach na tututok sa kanyang pagsasanay para sa malalaking kompetisyo­n na kanyang lalahukan.

Sinabi no PSC Chairman William ‘ Butch’ Ramirez na mahalagang may personal na coach si Medina na magtatangk­ang magkwalipi­ka sa 2020 Tokyo Paralympic­s.

“Josephine can visit me at the office anytime and submit a formal report on her foreign exposure and expenses. The PSC will be happy to accommodat­e her,” pahayag ni Ramirez.

Ayon kay Medina sa lingguhang Facebook live chat ng PSC-POC Media Group kahapon, sariling sikap lamang siya at sa tulong ng kapwa atleta para makapagsan­ay. May pagkakaton ding sariling pera niya ang ginagamit para makalahok sa kompetisyo­n.

“It’s true. I paid for all of my qualifying tournament­s just to compete in the World championsh­ips,” pagbabalik-gunita ni Medina.

“I trained on my own but I’m thankful that I qualified during the Rio Games,” aniya.

Sunud-sunod na karangalan ang ibinigay ni Medina sa bansa matapos niyang kunin ang gintong medalya buhat sa isang torneo sa Thailand, kasunod ang Rio Olympics bronze medal noong 2016, kasunod ang gintong medalya muli sa Las Vegas sa singles event at nag-uwi din ng silver at bronze medal sa Taichung Taiwan Open noong nakaraang taon.

Ang nasabing torneo ang siyang naging qualifying round upang makalahok siya sa World Championsh­ip sa Slovenia sa Oktubre 15.

Sinabi umano sa kanyang Philspada na wala umanong budget para sa mga nasabing qulifying tournament­s kung kaya kinailanga­n niya na gumawa ng paraan upang makalahok sa mga nasabing torneo.

“Players from other countries have their own trainers and coaches. Here I have to do it all by myself,” pahayag ni Medina.

Ang Philspada na pinamumunu­an ni dating PSC Commission­er Mike Barredo ang organisasy­on na nangangasi­wa sa mga atleta na tulad ni Medina.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines