Balita

UST at Adamson batters, asam bumida sa UAAP

-

Laro Ngayon (Rizal Memorial Baseball Stadium) 9:00 n.u. -- UST vs AdU (Softball Finals) 12 noon – AdU vs DLSU (Baseball Finals)

TARGET ng University of Santo Tomas na tapusin ang serye laban sa defending champion Adamson University sa UAAP Season 80 softball tournament ngayon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Pangunguna­han ni ace pitcher Ann Antolihao ang Tigresses para tapusin ang best-of-three series at angkinin ang unang kampeonato sa torneo. Nakatakda ang laban ganap na 9:00 ng umaga.

Puntirya naman ng Adamson na masungkit ang titulo sa baseball laban sa De La Salle sa Game 2 ng parehong serye ganap na 12 ng tanghali.

Sasandigan ni Jerome Yenson ang Falcons na huling naging kampon noong 2009-10 season.

Naitala ni Antolihao angpitong strikeouts sa 4-3 panalo ng UST sa Adamson University sa finals opener nitong Martes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines