Balita

Gamboa, nakasilat sa CEU Scorpions

-

ISA pang upset ang naitala ng Gamboa Coffee-St. Clare matapos gapiin ang league-leader Centro Escolar University, 100-83, kahapon sa PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bunga ng tagumpay, umangat ang Coffee Lovers sa record na 5-3 na nagpalakas ng kanilang tsansa na makabilang sa anim na koponang uusad sa susunod na round.

“May three games pa kami. Ang habol namin talaga ‘yung three and four. Crucial pa rin ‘yung tatlong game,” ani Gamboa Coffee coach Jino Manansala,.

Bumaba naman ang Scorpions sa markang 7-2.

Halos di nakalaro para sa CEU si Congolese center Rodrigue Ebondo, na nagtamo ng back injury sa first half at nakapag-ambag lamang ng anim na puntos.

“Sinamantal­a na namin ang pagkakatao­n,” dagdag ni Manansala.

Nanguna sa CEU si Pat Aquino na may 16 puntos.

Marivic Awitan Iskor:

GAMBOA COFFEE MIX-ST. CLARE (100) — Bitoon 19, Jackson 18, Rebugio 16, Dionisio 15, Pare 14, Hallare 11, Alcober 3, Fontanilla 2, Rubio 2, Decano 0, Penaredond­o 0.

CEU (83) — Aquino 16, Caballero 12, Fuentes 10, Guinitaran 8, Veron 8, Uri 7, Arim 4, Opiso 4, Wamar 4, Cruz 2, Manlangit 2, Saber 0.

Quartersco­res: 27-15, 51-32, 7852, 100-83.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines