Balita

Salinas, naghari sa Taguig chess tilt

-

DINAIG ni Mark Rengine Salinas sa tie break points ang kapwa 5.0 pointers na sina Reign Joshua Vinuya, Al-Basher “Basty” Buto at Allan Gabriel Hilario para maangkin ang titulo ng Taguig Festival Chess Tournament Kiddies 1950 and below na ginanap kamakailan sa Taguig City.

Nakapagtal­a ng 17.0 Sonneborn– Berger iskor si Salinas, angat sa 2nd place na si Vinuya na may SB 16.5 iskor, 3rd place na si Buto na may SB 16.0 iskor at 4th place na si Hilario na may SB 16.0 iskor. Solong ika-5 puwesto naman si Zeus Alexis Paglinawan na may naipong 4.5 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines