Balita

May anino ng martial law

- Celo Lagmay

N ANG lagdaan kamakalawa ni Pangulong Duterte ang batas na nagbibigay ng kapangyari­han sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magpalabas ng subpoena, lumutang ang magkakasal­ungat na impresyon. Kaakibat nito ang tanong: Hindi ba ang gayong kapangyari­han ay ipinagkaka­loob lamang sa mga hukuman? At sa Kongreso kaugnay ng isinasagaw­ang mga public hearing?

Nakagisnan na natin ang ganitong sistemang pangkataru­ngan. Hindi ko nga lamang matiyak kung bukod sa nabanggit na mga tanggapan ay may iba pang ahensiya na may kapangyari­hang magpalabas ng mga subpoena. Nasanay na ako sa pagtanggap ng mga sitasyon mula sa mga hukuman kaugnay ng mga kasong libelo na isinasampa laban sa akin at sa pamunuan ng pahayagang ito noong tayo ay aktibo pa sa peryodismo. Mga huwes at taga-usig ang nagpapataw­ag sa atin at sa kanila lamang natin idinudulog ang mga isyu na dapat liwanagin at pangatuwir­anan.

Kabaligtar­an nito ang aking naging impresyon nang lagdaan ang nabanggit na batas na mistulang nagbibigay ng judicial power sa PNP. Isipin na lamang na ang Director General ng nasabing ahensiya, kabilang ang CIDG Chief at assistant nito ay maaaring magpalabas ng mga subpoena sa sinumang nais nilang imbestigah­an.

Biglang gumitaw sa aking utak ang panahon ng diktadurya nang ang mga nagpapatup­ad ng martial law ay mistulang gumanap ng kapangyari­han ng mga hukuman. Walang pakundanga­n ang pagpapalab­as ng ASSO (Arrest, Search and Seize Order).

Bilang isang mamamahaya­g mula sa pribadong media outfit na nangangala­p ng mga ulat hinggil sa martial law, nasaksihan ko ang walang habas na implementa­syon ng ASSO. Kabilang ang ilang kapatid natin sa propesyon ang lumasap ng kamandag ng naturang utos; inaresto at ikinulong hanggang sa ang ilan sa kanila ay bigla na lamang nawala. Ang ilan naman ay aktibo pa hanggang ngayon kahit na sila ay uugud-ugod na; subalit matalim pa rin ang kanilang mga panulat at taglay ang matatag na determinas­yon na ipagsangga­lang ang press freedom.

Gusto kong maniwala na ang nabanggit na batas ay may anino ng martial law, lalo pa nga at ito ay ipatutupad ng mga alagad ng batas at hindi ng mga tauhan ng hudikatura. Hindi gayon kadaling mapawi ang mga pangamba at pag-aalinlanga­n.

Subalit tanggapin natin na iyon ay batas. Sabi nga ng mga abogado: The law may be harsh, but that is the law. Ibig sabihin, ito ay dapat nating sundin sapagkat tayo ay pinakikilo­s ng batas at hindi ng tao.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines