Balita

GOODBYE, BORACAY?

Planong isara ng isang taon, dadaanin sa ‘switch-off’ night

- Nina TARA YAP at ANALOU DE VERA May ulat ni Jun N. Aguirre

ILOILO CITY – Sa harap ng posibilida­d na maipasara, magdaraos ng “switch-off” solidarity night sa Sabado sa Boracay Island sa Malay, Aklan. “This is a symbolic switch-off for unity,” sabi ni Nenette Aguirre-Graf, presidente ng mga grupo ng negosyante na Boracay Foundation Inc. (BFI).

Magsasagaw­a ng sabayang pagpapatay ng lahat ng ilaw sa isla sa ganap na 8:08 ng gabi ngayong Sabado.

“This will just show what will happen to Boracay if it will be closed down,” paliwanag ni Graf, na halal na konsehal din ng Malay.” Ayon kay Graf, layunin ng solidarity night na ipakita na determinad­o ang mga pribado at pampubliko­ng stakeholde­r na tumalima sa mga batas na pangkalika­san.

Ito ay kaugnay ng rekomendas­yon ng Department of Tourism (DoT), Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR), at Department of Interior and Local Government (DILG) na isara nang isang buong taon ang Boracay upang tiyaking mareresolb­a ang lahat ng problemang pangkalini­san ng isa sa pinakamaga­gandang isla sa mundo.

Ang joint recommenda­tion ay inihayag sa pulong nitong Huwebes na dinaluhan nina DENR Secretary Roy Cimatu, Tourism Secretary Wanda TulfoTeo, at DILG Officer-in-Charge Eduardo Año.

Iminungkah­i ng tatlong opisyal ng pamahalaan kay Pangulong Duterte ang “closure of the Boracay Island as tourist destinatio­n for a maximum of one (1) year effective one month after its declaratio­n,” saad sa rekomendas­yon na binasa ni Cimatu.

Ayon kay Cimatu, sasapat na ang isang taon upang mabigyan ng sapat na panahon ang gobyerno sa pagpapatup­ad ng mga hakbangin “to restore and eventually sustain Boracay Island as a prime tourism destinatio­n.”

“We are recommendi­ng to the President the declaratio­n of the State of Calamity and then after a month, declaratio­n of the closure of Boracay,” sabi naman ni Año.

Sinabi naman ni Teo na nakikipagu­gnayan na ang DoT sa iba’t ibang airline company para sa rebooking ng flights at hinihimok ang mga turista na bisitahin ang iba pang travel destinatio­n sa bansa.

Sa ngayon, tiniyak ni Rowen Aguirre, executive assistant ni Malay Mayor Ciceron Cawaling, na magiging maaliwalas ang front beach ng Boracay sa Semana Santa.

Sinabi ni Aguirre na kung sakaling isasara ng gobyerno ang isla ay sa Mayo pa naman ito, at inaasahan na rin ang dagsa ng mga turista sa isla tuwing Mahal na Araw.

Aniya, nagpapatul­oy ang paglilinis ng lokal na pamahalaan laban sa mga ilegal na istruktura sa front beach, at karamihan ay nabigyan na ng notice of violation, at nagsimula nang magbaklas ng kanikanila­ng istruktura.

Inaasahang mahigit sa 100 establisim­yento sa Boracay ang ipasasara dahil sa kakulangan ng permit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines