Balita

2 balota sa barangay polls

- Leslie Ann G. Aquino

Dalawang balota ang gagamitin sa 2018 Barangay at Sanggunian­g Kabataan (SK) elections sa Mayo 14, ayon sa Commission on Elections (Comelec)—ang barangay ballot at SK ballot.

Sa kanyang blog, ipinaliwan­ag ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang barangay ballot ang gagamitin ng mga botanteng edad 18 pataas, upang maghalal ng barangay chairman at mga kagawad.

Ang SK ballot, ayon kay Jimenez, ang gagamitin naman ng mga botanteng edad 15-30 na nakarehist­ro sa SK system.

Sinabi ni Jimenez na nakasaad sa barangay at SK ballots ang partikular na halalan—ang barangay elections at SK elections, ayon sa pagkakasun­od.

Aniya, gagamitin sa buong bansa ang dalawang balota, maliban sa Mindanao, at may petsa itong “Oktubre 23, 2017”, dahil naimprenta ang nasabing mga balota noong nakaraang taon, para sana sa itinakdang halalan noong Oktubre 2017.

Matatandaa­ng pinagtibay lamang ang batas sa pagpapalib­an sa barangay elections ng 2017 makaraang makumpleto ang pagiimpren­ta ng mga balota.

Kasabay nito, nagpaaala si Jimenez na bawal markahan ng anumang hindi kinakailan­gan ang mga balota gaya ng “drawing of hearts, smiley faces, stars”, at bawal ding kuhanan ng litrato ang balota.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines