Balita

Mahigit 300 sumuko sa isang-linggong Tokhang

- Martin A. Sadongdong

Mahigit 300 hinihinala­ng sangkot sa ilegal na droga sa bansa ang sumuko sa awtoridad sa loob lang ng isang linggo, sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP), ayon sa pahayag ng isang mataas na opisyal.

Ibinunyag ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsal­ita ng PNP, na umabot sa kabuuang 4,548 drug surrendere­r ang naitala ng Directorat­e for Operations nitong Lunes, Marso 12, mas mataas kaysa 4,237 sumuko nitong Marso 5.

Ipinagmala­ki ni Bulalacao na “no cases of armed confrontat­ion with drug suspects” kaya walang naitalang namatay sa Oplan Tokhang, na tinawag na “soft approach” ng PNP kaugnay ng drug war ni Pangulong Duterte.

Aniya, ang Police Regional Office (PRO)-10 ang may pinakamara­ming operasyon, na umabot sa 1,016 at 529 ang sumuko, na sinundan naman ng PRO-3, na may 1,005 Tokhang activities at 656 sumurender.

Pumalo naman sa 12,185 drug personalit­y ang naaresto, habang umakyat na sa 118 ang nasawi sa Oplan HVT (high-value target), ang “hard approach” ng PNP sa giyera sa droga, nitong Marso 5.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines