Balita

Police captain, natusta sa car accident

- Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac - Kagimbal-gimbal ang sinapit na kamatayan ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) nang masunog ito sa isang car accident sa San Jose, Tarlac nitong Biyernes ng madalingar­aw.

Sa pagsisiyas­at ng San Jose Police, literal na bungo’t buto na lamang ang natira sa bangkay ni Senior Insp. Joven Tugade Macaraeg, ng Candaba Police sa Pampanga, nang matusta ito matapos sumabog ang kotse sa insidente.

Sinabi ng pulisya na patungo si Macaraeg sa direksiyon ng Moriones sakay sa kanyang kotse nang biglang mawalan umano ito ng kontrol at dumiretso sa maisan sa San Jose-Tarlac Road sa bayan ng San Jose.

Nilinaw naman ni Tarlac Police Provincial Office director Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas na positibong kinilala ang pulis ng kapatid na si Emiliano Macaraeg, 49, ng Barangay Pugaro, Balungao, Pangasinan.

Iniimbesti­gahan pa rin ng pulisya ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines