Balita

3 NPA, sumuko sa Agusan del Sur

- Mike U. Crismundo

TRENTO, Agusan del Sur -Tatlo pang kaanib ng New People’s Army (NPA)Milisya ng Bayan (MB) ang sumuko sa militar nitong Martes ng hapon.

Sinabi nina Trento, Agusan del Sur Mayor William Calvez at 25th “Fireball” Commander Lt. Col. Oscar Balignasay, Jr. na hindi muna nila ibinubunya­g ang pagkakakil­anlan ng tatlo para na rin sa kanilang seguridad.

Anila, ang mga rebelde ay pawang residente ng Purok 2, Barangay Pangyan, Trento, Agusan.

“They voluntaril­y submit themselves to this unit due to the realizatio­n that the government is sincere in defeating insurgency in the country,” ani Calvez.

Binigyang-diin ng NPA na ipinasyang magbalik-loob sa pamahalaan ng tatlo nang mapag-isipang mahirap ang kanilang buhay sa kabundukan at balewala lamang ang kanilang ipinaglala­ban.

“The trio also cited the disorganiz­ation of their structure in the area due to mass surrender as answer to the call of the President Duterte,” sabi pa ng Calvez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines