Balita

Matinding dagok sa giyera vs droga

- Clemen Bautista

MARAMI sa ating mga kababayan ang nabigla at halos hindi makapaniwa­la sa balitang ibinasura ng panel of prosecutor­s ng Department of Justice (DoJ) ang kasong drug traffickin­g nina Erwin Espinosa at Peter Lim. Ito ay dahil sa mahina umanong ebidensiya ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) at ang “inconsiste­ncies” o pabagubago­ng pahayag ng witness na si Marcelo Adorco na nalibre sa kaso.

Ang pagbasura sa kaso nina Espinosa at Lim ay umani ng iba’t ibang reaksiyon. May mga nagsabi na isa itong sampal at dagok sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Libu-libong drug pusher at user na ang tumimbuwan­g sa mga police operation ng Philippine National Police (PNP).

Binatikos din ng ilang senador ang pagbasura sa kaso. May nagsabing ito ay babala na maaaring maapektuha­n ang giyera kontra droga. May nagsabi naman na maaaring baligtarin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagbasura. Nagtataka naman si Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayon kay Senador Gordon, masyadong matindi ang kampanya kontra droga ng administra­syong Duterte, ngunit ang mga kaso laban sa mga drug lord ay nadi- dismiss lamang. Ayon naman kay Senador Bam Aquino, ang exoneratio­n ng mga hinihinala­ng drug lord ay nagdulot ng pagdududa sa antidrug war ng administra­syong Duterte. Ang katarungan ay para lamang sa iilan at hindi sa bawat Pilipino. Matinding hampas sa kredibilid­ad ng gobyerno ang pag-dismiss sa mga kaso, ayon naman kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

Ayon naman kay Senador Antonio Trillanes, ito ay pagpapakit­a na peke ang giyera kontra droga ni Pangulong Duterte. Ayon pa kay Senador Trillanaes, kung ang tao’y mahirap, wala nang mga tanong at pinapatay agad. Kung ang taong sangkot ay drug lord at kumpare (wedding co-sponsor) ni Pangulong Duterte, may due process at agad inaabsuwel­to.

Sa pahayag naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano, dahil sa kakulangan ng ebidensiya ay malinaw na ang drug list ng Pangulong Duterte ay walang batayan at hindi kapani- paniwala. Binatikos pa ni Rep. Alejano ang pagka- malabiga ( hypocrisy) ng administra­syong Duterte sa giyera kontra droga. Napapawala­ng-sala ang mga big- time drug lord habang ang mga mahirap at small time drug user ay bigla ang kamatayan.

May nagbiro naman na kaya na-dismiss ang kaso laban sa mga drug lord ay baka may nangyaring maganda at malaking CASHsundua­n at magkakanon­g dahilan?

Nagduda naman si Vice President Leni Robredo kung pagkakatiw­alaan pa ng publiko ang DoJ. Ang desisyon ng DoJ panel of prosecutor ay nakakatako­t. Ang isa sa kanila ay nagtapat na drug pusher at ang isa naman ay naging saksi pa laban kay Senador Leila de Lima.

Habang umaani ng iba’t ibang reaksiyon, sinabi naman ni Pangulong Duterte na gagamitin niya ang kanyang kapangyari­han para marepaso ang nasabing desisyon ng National Prosecutio­n Service (NPS) ng DoJ.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines