Balita

Tara!, tagay na sa Beermen?

Laro Ngayon (Cuneta Astrodome) 6:30 n.g – SMB vs Ginebra

-

TATAPUSIN na kaya ng San Miguel Beer o makakahiri­t pa ang Barangay Ginebra?

Para sa barangay, makakaya ng Kings na mapahaba ang serye at maipamalas ang ‘never-say-die’ character na nagpabanto­g sa koponan mula noon hanggang ngayon sa pagpalo ng Game 5 ng kanilang best-ofseven semifinal series ng PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome.

Nakatakda ang duwelo ganap na 6:30 ng gabi.

Maging ang kampo ng Beermen ay hindi kampante sa kabila ng 3-1 bentahe.

“It’s not yet over, until the fat lady sings. We’ll see what will happen,” ani Austria. “What I’m trying to have with our team is ‘yung energy. That’s very crucial.”

“3-1 is still manageable ‘yan para sa opponent. Dahil hindi ko makakalimu­tan, we’re leading 3-1 against Ginebra noong player pa ako ng Shell, and then we lost,” pagbabalik-tanaw nito sa 1991 First Conference Finals

“And same thing, from 0-3, nanalo kami 4-3,” dagdag nito na tinutukoy naman ang tinagurian­g Beeracle na ginawa nila noong 2016 Philippine Cup finals kontra Alaska Aces.“Kaya everything is possible, kaya hindi kami pwedeng mag-relax.”

“Must-win for us, for us to get a good rest going to the Finals,” aniya.

Sa kabilang dako, aminadong na “outclassed” at “outcoached” si Tim Cone ni Austria sa Game 4, kaya siguradong paghahanda­ang mabuti ng PBA winningest mentor ang laban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines