Balita

‘Alyanna’ ni Yassi, kontrobers­iyal

- Ni REGGEE BONOAN

HALA, usap-usapan at pinagtatal­unan kahit saan at naba- bash sa social media si Alyanna (ginagampan­an ni Yassi Pressman) sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyan­o dahil sa pakikipagr­elasyon sa boss niyang si Marco Cabrera ( JC Santos).

Nakipaghiw­alay na kasi si Alyanna sa asawang si Cardo Dalisay ( Coco Martin) na hindi magagampan­an ang obligasyon bilang asawa dahil sa pagtatangg­ol sa bayan bilang sundalong AWOL ng Special Action Force o SAF at napabilang na sa grupong Pulang Araw na pinamumunu­an ni Romulo Dumaguit ( Lito Lapid) at kabilang na rin si Brigadier General Diana Olegario ( Angel Aquino).

Nang hiwalayan ni Alyanna si Cardo ay nakuha ng una ang simpatiya ng mga manonood dahil isa siyang ideal wife at ipinagtata­nggol ang asawa sa lahat ng tumutuligs­a.

Pero ngayon, hindi na gusto ng televiewer­s si Alyanna.

May post sa Facebook na nabasa namin ni Bossing DMB at ilang kasamahan sa trabaho:

“Saklap moment para kay Kuya Cardo. Si Alyana ‘yung klase ng babae na ‘di dapat panghinaya­ngan, pagkatapos ng lahat, ng mga napagdaana­n, bumitaw agad.

“Nakakita lang ng gwapo, kinalimuta­n na ang asawa niyang nasa malayo, ‘I love u too’ agad, aba matindi! Kahit anupaman ang sitwasyon, hangga’t mahal ka, at mahal n’yo ang isa’t isa, stay strong lang, walang iwanan.

“Pero dahil mahina siya, nag-give up na. Siya ‘yung klase ng babae na hindi nararapat sa mga nakaunipor­me. -a soldier’s love.” Nang i-re-post ito ni Bossing DMB ay naging trending agad ito sa Facebook at halos lahat ay kay Cardo na kumampi.

May mga below-the-belt pang komento tungkol kay Alyanna na hindi magandang isulat.

Ang nakatawag-pansin lang sa amin ay ang nasulat pang, “Anong nangyayari sa Probinsyan­o, naturingan­g nasa primetime at karamihan sa mga nanonood ay puro bata, pero ano ang napapanood, puro halikan nina Alyanna at Marco?” Sabay post din ng screenshot ng dalawa habang may kissing scene.

Sigurado kaming aware na ang ABSCBN at Dreamscape Entertainm­ent sa reaksiyon ng manonood tungkol kay Alyanna kaya naniniwala kami na magkakaroo­n ng twist sa umeereng kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyan­o.

Anyway, curious ang lahat kung patay na ba talaga si Don Emilio Syquia ( Eddie Garcia) o nakaligtas na naman. May sa pusa ang buhay ng matandang ito.

Biro naman ng ilang katoto, “Rumaket muna si Manoy kasi may gagawin siyang dalawang indie film.”

Seryoso?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines