Balita

Footbridge gumuho, 4 ang namatay

-

MIAMI (Reuters) – Isang bagong tayong pedestrian bridge ang gumuho sa Florida Internatio­nal University nitong Huwebes, na ikinamatay ng apat katao, sinabi ni Miami-Dade County Fire Chief Dave Downey.

Bumagsak ang 950-toneladang tulay sa South Florida dakong 1:30 ng gabi. Walong sasakyan ang natambakan ng gumuhong mga semento at bakal nito, at 10 katao ang naospital.

Ang 174-talampakan­g haba ng tulay ay nagdudugto­ng sa unibersida­d sa lungsod ng Sweetwater. Itinayo ito noong Sabado sa loob ng anim na oras sa itaas ng eight-lane highway, nakasaad sa website ng unibersida­d.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines