Balita

Purisima ‘not guilty’ ang plea, bibiyahe sa US

- Czarina Nicole O. Ong

Nag-plead na ‘not guilty’ si dating Philippine National Police (PNP) Chief Director Alan Purisima sa lahat ng walong kasong perjury na isinampa laban sa kanya sa Sandiganba­yan Second Division.

Ang mga kaso ay kaugnay sa hindi niya pagdeklara ng mga ari-arian ng kanyang misis na si Maria Ramona Lydia Purisima, sa kanyang Statement of Assets Liabilitie­s and Net Worth (SALN) para sa taong 2006 hanggang 2009, at noong 2011 hanggang 2014.

Matapos ang kanyang arraignmen­t, inaprubaha­n ng Sandiganba­yan ang mosyon ni Purisima na makapagbiy­ahe sa Biloxi, Mississipp­i, United States simula Abril 23 hanggang Mayo 9. Inutusan siya ng korte na magbayad ng P96,000 travel bond.

May nakabitin ding kasong graft at usurpation si Purisima sa Fourth Division kaugnay sa palpak na operasyon ng pulisya sa Mamasapano, Maguindana­o noong 2015, na nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF troopers, at graft sa Sixth Division kaugnay sa maanomalya­ng PNP courier service noong 2011.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines