Balita

2 empleyado tiklo sa nakawan

- Leandro A. Alborote

VICTORIA, Tarlac - Dalawang empleyado ng isang pribadong ospital ang inaresto ng pulisya nang tangayin umano ng mga ito ang P740,000 na kita ng pagamutan sa Victoria, Tarlac nitong Huwebes ng hapon.

Nakakulong ngayon sa himpilan ng Victoria Police sina Rosemarie Cuna, 37, executive secretary; at Dindo Ancero, 33, ng Barangay San Juan, Calamba, parehong nagtatraba­ho sa Dra. Farrah Medical Center.

Sa reklamo ng biktimang si Farrah Arsenia Bunch, 39, nadiskubre niyang nawawala ang nabanggit na salapi nang mawala ang voucher ng P490,000 na ibinayad ng contractor. Kasama rin umano sa tinangay ng dalawa ang maghapong kinita ng hospital. Nagawa namang madakip sina Cuna at Ancero sa follow-up operations.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines