Balita

2 ‘tulak’ todas sa buy-bust

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Nasawi ang dalawang hinihinala­ng drug pusher makaraang manlaban sa buy-bust operation ng pulisya sa Purok 7, Barangay Batung Norte, Cabanatuan City, nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang mga nasawi na sina Benjo Santiago, residente ng Bgy. D.S. Garcia’ at Randy Magtalas, alyas “Randy Mekaniko”, na nakatala bilang drug personalit­y.

Nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang katransaks­iyon at bigla umanong bumunot ng baril at pinaputuka­n ang mga awtoridad, na gumanti ng putok.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines