Balita

‘He got the dose of his own medicine’

- Ric Valmonte

INATASAN na ni Pangulong Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na abisuhan ang United Nations na kinakalas na ng bansa ang ratipikasy­on ng Rome Statute, ang tratadong lumikha ng Internatio­nal Criminal Court ( ICC). Ginawa ito ng Pangulo pagkatapos ihayag ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na sisimulan na ang preliminar­y examinatio­n ng reklamo laban sa kanya hinggil sa crime against humanity kaugnay ng madugong war on drugs. “Pinalalaba­s akong nagkasala na sa mata ng buong daigdig. Pinagtutul­ungan ako ng mga UN official sa pagpakita na ako ay malupit at walang pusong nilalabag ang karapatang pantao,” sabi niya. Ang pagtatangk­a ng ICC na sakupin siya, aniya, ay paglabag sa kanyang karapatan sa due process at presumptio­n of innocence.

Ang mga prinsipyon­g ito na due process at presumptio­n of innocence ay masyadong kinamumuhi­an ng Pangulo. Galit na galit siya sa mga nagsasabin­g igalang niya ang mga karapatang ito sa pagpapaira­l niya ng kanyang war on drugs. Kaya ganoon na lamang kung laitin niya at personal na atakehin si Chairman Chito Gascon ng Comission on Human Rights. Ito rin ang dahilan kung bakit pinagtutul­ungan ng kanyang mga kaalyado si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mapatalsik sa puwesto. Ito kasi ang unang humarang sa pamamaraan­g ginamit niya sa kanyang pakikidigm­a laban sa ilegal na droga. Nakatagpo siya ng sumalungat sa kanya sa katauhan ni CJ Sereno nang ang sambayanan ay nahintakut­an sa mga walang patlang na pagpatay sa mga umano’y sangkot sa droga at nanlaban nang arestuhin ng pulis.

Ang ginawa lamang nina Gaston at CJ Sereno ay iyong ginagawa ngayon ng Pangulo sa ICC. Kaya lang may kabigatan iyong paalala ni Sereno sa Pangulo. Pagsuway sa kanyang nais mangyari na ang limang hukom na nasa kanyang drug list, tulad ng ginawa niya sa iba pa, kabilang na si Mayor Espinosa ng Alburgue, Leyte na pinatay sa piitan, na mag-report sa Camp Crame para linisin ang kanilang pangalan. Ayon kay Sereno, sinabihan niya sila na huwag silang susuko o isumite ang kanilang sarili kapag walang warrant of arrest. Ang Korte Suprema lamang ang may kapangyari­hang disiplinah­an sila. “Sundin natin ang Rule of Law,” dagdag pa ni Sereno.

Ang kalagayan ng Pangulo sa relasyon niya sa ICC ay masasabing nalagay siya sa katayuan na, “He got the dose of his own medicine.” Iyong mga prinsipyo ng batas ay ayaw niyang maging hadlang sa kanyang ginagawa, kaya gusto niyang sagasaan ang mga ito na siya namang ginagamit niyang kalasag sa sinasabi niyang panggigipi­t sa kanya. Marahil napagtanto na ng Pangulo ang kahalagaha­n ng pagsunod sa Rule of Law. Hindi sa lahat ng panahon ay nasa ibabaw ka at kaya mong gawin ang gusto mo kahit ikapapaham­ak ng iba. Darating ang araw na mapapasail­alim ka at malalagay sa katayuan ng ipinahamak mo. Wala kang magagawa kundi ang sandigan mo ang batas.

Balewalain mo ito at magagaya ka sa taong itinambog sa dagat na pinamumuga­ran ng mga pating na ang tangi mong magagawa ay magdasal, kung naniwala ka pa sa bisa nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines