Balita

Film tourism, pinalalaka­s ni Cesar Montano

- Ni NITZ MIRALLES

MAGKATUWAN­G sina DoT Secretary Wanda Tulfo- Teo at Tourism Promotions Board Chief Operating Officer

Cesar Montano sa pagbibigay ng award at pagkilala sa walong Filipino-made at two foreign movies na ginawa noong 2016 at 2017 at nagpakita sa ganda ng Pilipinas. Sa ganu’ng paraan, natulungan­g mai-promote ang Philippine tourism.

Project ng TPB ang Cine Turismo under Cesar para humikayat pa sa ibang producers local man o foreign producer na magshootin­g sa bansa. Napapanaho­n ang bagong kampanya ng TPB dahil sabi nga ni Cesar, “Film tourism is a steadily growing industry in the country.”

Napapanaho­n din ang kampanya ng TPB dahil sa pending Film Tourism Bill (SB 1330) sponsored ni Sen. Grace Poe and introduced by Sen. Sonny Angara na kinikilala ang “potential of internatio­nal and local motion picture production to create jobs, grow the economy and raise the nation’s internatio­nal profile” and seeks to offer incentives to production companies who choose to showcase Philippine destinatio­ns and the nation’s historical and cultural heritage, or champion Filipino film practition­ers and artists in foreign production­s.

Heto ang walong local films na binigyan ng parangal: Sakaling

Hindi Makarating directed by Ice Idanan na kinunan sa Ilocos, Siquijor, Batanes at Zamboanga; Lakbay2Lov­e ni Direk Ellen

Ongkeko-Marfil na nagtatampo­k sa Timberland Heights at Benguet;

Camp Bantayan Sawi Island; ni Irene Villamor na kinunan sa Patay Na Si Jesus ni Victor Villanueva na road trip movie; Apocalypse Child ni Mario Cornejo na kinunan sa Baler; Siargao ni Direk Paul Soriano Requited ni Direk Nerissa Picadizo na nagpakita sa Mt. Pinatubo; at Kiko Boksingero ni Thop Nazareno na kinunan sa Baguio.

Binigyan din ng special citations ang South Korean films na Mango Tree na kinunan sa Cebu and directed by Lee Soo-Sung, at ang Romantic Island directed by Cheol-Woo Kang na kinunan sa Boracay.

Samantala ginulat ni Cesar ang mga dumalo sa launching ng Cine Turismo at pagkilala sa mga nabanggit na pelikula nang magpalabas ng short teaser ng pelikulang Sultan Kudarat na pinagbibid­ahan niya. Sila ni Toto Natividad ang director ng malaking pelikula na ipinangako ni Cesar na tatapusin niya this year para maipalabas na.

 ??  ?? Cesar at DoT
Cesar at DoT

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines