Balita

Ejay, nakulong at lalaban para makabalik sa pamilya

SA ‘MMK’

-

PANOORIN

ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya ang madamdamin­g kuwento ng isang binatang gagampanan ng The Blood

Sisters star na si Ejay Falcon na ilang taong nakulong dahil sa pagnanakaw at walang kaalam-alam ang kanyang pamilya sa kanyang kalagayan at kinaroroon­an.

Sa murang edad, natuto nang magbanat ng buto sa koprahan si Ely (Ejay) at kanyang mga kapatid na sina Idel ( Hero Angeles) at Diony ( Angelo

Ilagan) para tulungan ang nabiyudang inang si Toyang ( Maria Isabel Lopez).

Ngunit alam ni Ely na hindi sapat ang kinikita nila sa koprahan kaya pinili niyang lumuwas ng Lucena at maghanap ng mas magandang oportunida­d.

Hindi magiging madali ang lahat para kay Ely. Sa kagustuhan­g makabalik agad sa pamilya, napilitan siyang magnakaw. Sa kasamaang- palad ay nahuli siya ng awtoridad. Paano makakalaba­s ng piitan si Ely gayong malayo siya sa kanyang pamilya? Ano ang kahihinatn­an niya at ng kanyang pagkawala? Makakasama nina Ejay, Hero, Angelo at Maria Isabel sa upcoming episode sina Louise Abuel, Soliman Cruz, Mary Joy Apostol, Ruby Ruiz, John Manalo, Andrew Muhlach, Lance Lucido, Johan Santos, Nor Domingo, at Mike Lloren, mula sa panulat ni Akeem del Rosario at sa direksiyon ni Nuel Naval. Ang MMK ay pinamumunu­an ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.

 ??  ?? Ejay
Ejay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines