Balita

Johnny Manziel, ikinasal na kay Bre Tiesi

-

KINASAL na ang dating Cleveland Browns quarterbac­k na si Johnny Manziel.

Ang 25 taong gulang na atleta, na nagbabalak bumalik sa NFL, ay ikinasal sa modelong si Bre Tiesi sa isang pribadong seremonya sa California courthouse, kinumpirma­ng ulat sa PEOPLE. Inilihim ng couple sa lahat ang kanilang kasal maliban sa mga taong pinakamala­lapit sa kanila.

“He is telling people close to him (about the wedding),” lahad ng insider sa

PEOPLE. “They didn’t invite anyone but a couple of witnesses. I think they’ll have a party later.”

Ayon sa source na malapit kina Manziel, si Tiesi ang naging sandalan at lakas sa magulong buhay ng atleta. “He’s trying to get his life settled down,” ” lahad ng source. “She’s good for him and balances him, and he’s crazy about her.”

Habang hindi pa isinasapub­liko inasapubli­ko ng dalawa ang kanilang kasal, al, nakitaan na ng singsing sa kanilang wedding dding fingers ang dalawa simula pa noong g Pebrero. Isang diamond infinity band para kay Tiesi at isang double ring version n para kay Manziel.

Nagsimula ang kanilang nilang relasyon noong 2016 at naging engaged naman noong ong nakaraang taon sa Paris.

Ang troubled d quarterbac­k, na naging g maningning na bituin n ng NFL, ay nakaranas ng g sobriety at naakusahan ng pambubugbo­g sa dating girlfriend. Ibabasura ang kaso, bilang bahagi ng plea deal na nagre-require sa kanya na dumalo ng anger management gayundin ang domestic violence panel at substance-abuse program.

Noong 2016, tinanggal siya ng kanyang ahente kasunod ng paglabas ng Cleveland Browns.

Umaasang makababali­k si Manziel sa NFL. “He wants to return to the NFL,” lahad ng insider. “All he wants to do is to come back.”

Ang TMZ ang unang nag- ulat ng kasal.

 ??  ?? Johnny at Bre
Johnny at Bre

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines