Balita

Asawa ni Donald Trump Jr., nag-file ng divorce

-

NAG-FILE ng divorce ang asawa ni Donald Trump Jr. matapos ang halos 13 taong pagsasama bilang magasawa.

Isinumite ni Vanessa

Trump ang mga dokumento nitong Huwebes sa Manhattan courts, at habol niya ang unconteste­d proceeding. Matibay itong palatandaa­n na napag-usapan na ng dalawa ang kanilang paghihiwal­ay, gaya ng child custody at property.

Ayon sa sources, na malapit sa pamilya, sa TMZ, ang divorce ay matagal nang nais gawin, at ang kanilang relasyon ay naging “bad for a while.” Ang isa sa mga isyu ay dahil “(Vanessa) hates politics and Don Jr. is gone all the time.”

Ayon naman sa isang source, sa halip na malungkot o magalit, “relieved” si Don Jr.

Nagkaroon sila ng limang anak – edad tatlo hanggang sampu, simula nang magpakasal noong 2005.

Ayon sa NY Post, na unang nagbalita tungkol sa hiwalayan, nabahala si Vanessa tungkol sa ilang kontrobers­iyal na tweet ni Don Jr. at marami dito ay dahil sa pagdepensa nito kay President Trump at sa mga polisiya nito.

Nagkaroon ng major scare nitong nakaraang buwan si Vanessa, nang makatangga­p siya ng envelope na may puting powder, at isang hate letter para kay Don Jr., na may nakasaad na, “You the family idiot. This is the reason why people hate you. You are getting what you deserve.” Kalaunan ay natukoy na ang powder ay corn starch, at naaresto na ang nagpadala ng sulat.

Sinabi ng sources na nasindak si Vanessa sa naturang pangyayari.

 ??  ?? Don Jr. at Vanessa
Don Jr. at Vanessa

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines