Balita

‘ Di ko alam kung totoong may suntukan sa pader— Roque

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Pinabulaan­an ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque ang napaulat na napasuntok umano si Pangulong Duterte sa dingding ng Malacañang sa labis na galit sa pagbasura ng Department of Justice (DoJ) sa mga kaso ng ilang high-profile drug suspect noong nakaraang linggo.

Nitong Biyernes, napaulat na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na napasuntok sa dingding ng Palasyo ang Pangulo sa matinding galit sa pagkakaabs­uwelto nina Rolando “Kerwin” Espinosa Jr. at Peter Lim sa kasong drug traffickin­g.

“I tell you, noong nagalit si Presidente [sinuntok niya ‘yung pader], tingnan n’yo ‘yung kamay niya namaga,” sinabi ni dela Rosa sa mga mamamahaya­g sa Camp Crame.

Nasa Malacañang si dela Rosa nitong Martes para sa joint command conference ng PNP at Armed Forces of the Philippine­s (AFP) nang makarating sa Pangulo ang tungkol sa kontrobers­iyal na ruling ng DoJ.

Gayunman, sa panayam sa kanya ng DZMM, sinabi ni Roque na hindi siya siguradong nangyari nga ang ikinuwento ni dela Rosa, dahil maghapon niyang kasama si Duterte nang maipaalam dito ang naging pasya ng DoJ hanggang nitong Biyernes ng umaga.

Tiniyak din ni Roque na maayos at hindi namamaga ang kamao ng Pangulo.

“Hanggang alas kuwatro po kaninang umaga (sic) magkasama kami ni Presidente. Wala pong diperensiy­a ang kaniyang kamay,” sinabi ni Roque nitong Biyernes ng gabi. “Hindi ko po alam kung talagang totoong nanuntok sa dingding ‘yan. Kasi ang nangyari po, pagkatapos po ng Command Conference hindi na po kami naghiwalay.” Dagdag pa ni Roque, kasama rin siya ng Presidente hanggang sa seremonya para sa mga mambabatas na bagong lieutenant colonel, at maging sa pakikipagp­ulong sa mga mambabatas tungkol sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

“So ako po talaga iyong kasama niya noong araw na iyon, kaming dalawa ni SAP Bong Go, at hindi ko po nalaman kung talagang nagkaroon ng insidente na suntukan sa pader,” paglilinaw ni Roque.

Una nang inamin ni Roque na sobrang dismayado si Duterte sa pagkakabas­ura sa kaso nina Espinosa at Lim at 18 iba pa, bagamat nananatili umano ang tiwala nit okay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines