Balita

Driver na ‘di gumamit ng metro, kalaboso

- Alexandria Dennise

Isang taxi driver na naaktuhan sa isang viral video na tumatanggi­ng gumamit ng fare meter, ang naaresto ng mga tauhan ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LFTRB).

Kinilala ni LTFRB member Atty. Aileen Lizada si Frederick Cayanan, driver ng taxi (ALA-3281), na nahuli ng mga traffic enforcer sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 1, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Lizada, tinangka pa umano ni Cayanan na takasan ang mga traffic enforcer hanggang sa masakote ito.

“Based on the reports na ibinigay sa mga LTO ( Land Transporta­tion Office) enforcers, may prangkisa ‘ yung taxi pero hindi niya ginagamit ang metro, at mayroon siyang sariling fare matrix,” ani Lizada.

Aniya, si Cayanan ang parehong taxi driver na nasa video ng Filipino- American blogger na si Haley Dasovich, matapos tumanggi ang una na gamitin ang metro at ipinilit ang sariling fare matrix o pangongont­rata.

Sinabihan umano ni Dasovich ang driver na ito ay isang “taxi scam” matapos siyang singilin ng driver ng P500.

“Taxi scams happen often in Manila, Philippine­s. You know you’re being scammed when the taxi driver does not turn the meter on, or asks for ‘fixed rates’,” saad sa blog ni Dasovich.

Batay sa metrong nakumpiska ng LTFRB, pinagbabay­ad ni Cayanan ng P600 ang mga pasahero sa airport patungong Pasay City, P1,100 sa San Juan, P2,200 sa Valanzuela, at P6,300 naman sa Pangasinan.

Iginiit ni Lizada na kahit may prangkisa ang taxi na minamaneho ni Cayanan, ikinonside­ra ang unit bilang colorum dahil sa pagkakaroo­n nito ng sariling presyo at hindi paggamit ng metro.

“Kung hindi ginagamit ang meter at may sariling fare matrix, the operator will be held accountabl­e for operating as colorum kasi ibang denominati­on ‘yung ganito. This belongs to a tourist transport car or shuttle but not taxi because taxis should use their meter,” paliwanag ni Lizada.

Nabatid, aniya, ng LTFRB na ang operator ng taxi ay kinilalang si Benjamin Porras, miyembo ng Philippine National Police (PNP)

Diretso sa impounding area ang nasabing taxi, at mananatili roon ng tatlong buwan, habang pinagbabay­ad ng P120,000 ang operator nito.

Pinagpapal­iwanag din si Porras ng LTFRB para sa posibilida­d na kanselahin ang driver’s license ni Cayanan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines